ravencrows

Throwback Layout (friendster)

17 February, 2026 09:29 PM

Play mo to for authentic experience.

Material design unang hitsura nito, pero bakit nga ba kailangan yon? Para sana mobile responsive? Eh wala namang gagamit nitong website na to.

Tapos nakita ko ung youtube video ni Veronica tungkol sa mga static websites. Actually, baka kaya narecommend sakin kasi dahil 11ty rin ung gamit ko sa website na to.

Na-inspire lang ako. Pero hindi naman talaga ako umabot sa early 2000s, siguro mid to late 2000s ng internet ang dinatnan ko. May isang forum din akong sinalihan, mostly sa pamimirata ng mga laro (final4ever). Pero siguro karamihan sa oras ko no'n, sa friendster or facebook na rin.

Kaya naisip ko gawin parang friendster ung style nitong blog ko. Trip lang. Bahala na UX, most likely naman na ako lang din babasa nito.

Tumintin-tingin ako sa google images ng mga friendster profile. Medyo wala na rin akong makita talaga, pero ang common sa mga nakita ko ay yung image background. Sobrang nasanay ako na flat color lang ung background, na ngayon ko na lang din talaga naalala na may ganon nga pala.

So ano ba pinakamaangas ngayon na anime, JJK agad pumasok sa isip ko. Siguro kung bata ako ngayon na naglalaro, domain handsigns ang sinesenyas ko imbes mga dragon ni Recca (sorry ex-GMA7 loyalist nanay ko kaya wala kaming Naruto).

Naalala ko rin dati sa friendster ko, may nilagay akong widget (ata tawag don) ng videokeman, tapos hinide ko siya. Di ko alam pano yun na-hide, siguro inline css style lang. Pero naalala ko nun naiirita na ako sa superproxy kasi hindi ko mahanap saan ipo-pause. Actually gusto ko rin mag-autoplay ung audio sa taas pero hindi na (sobrang) pasok sa modern standards.

Random rambling lang ngayong holiday (CNY). Konting paalala lang sa sarili ko bakit gusto ko mag-computer bago bumalik sa trabaho bukas na 9 hours nakaupo sa tapat ng computer.