Nabasa ko ulit kamakailan ung The Last Answer ni Isaac Asimov. Parang mas ramdam ko na ang pagiging futuristic ng mundo dahil sa mga "AI Companion" na mas hawig sa kwento na kinakausap lang nila ng natural. Bigla ko tuloy naalala ung turing test, relevant pa ba 'yon sa ngayon?
Pero nakakapagod na itong mga pagbabago kahit 'di naman ako ang gumagawa. Well, apektado pa rin naman ako dahil sa mga pinapagawa sa trabaho. Parang kami ang dapat mag-fullfill ng mga promises ng AI. 100x productivity.
May love-hate relationship pa rin ako sa mga "AI". Side note lang pala, naalala ko na pag sinabing para kang AI dati noong dota days, matic bobo ka.
Ngayon, di hamak na mas matalino naman na talaga sa normal na tao ang AI (o LLM lang naman talaga ang ibig sabihin dito usually). Pero may papalit-palit pa rin akong opinion dito. Minsan mapapailing ka na lang dahil sa mga kayang gawin, minsan mapapapikit sabay tingala ka na lang dahil sa kabobohan nito. Mamangha ka sa kayang sabihin sayo pag kausap mo, pero mapapamura ka pagnakakita ka ng mga post na halatang AI.
- It's not X, it's Y.
- Here's the silent truth
- And the quiet part?
Bleeding edge ngayon talaga. At isa siguro ako sa mga sugatan. Parang di ko makita ang sarili ko na ganito pa rin ang trabaho sa loob ng limang taon. Ewan ko na. Lalo pa siguro ung mga ngayon pa lang apektado na.